MARAMING NAMATAY | Halos 400, patay sa magnitude 7.5 na lindol at tsunami sa Indonesia

Indonesia – Pumalo na sa 384 ang nasawi matapos yanigin ng magnitude 7.5 na lindol at sinundan pa ng tsunami sa Sulawesi, Indonesia.

Ayon kay Indonesia Disaster Mitigation Agency Spokesperson Sutopo Purwo Nugroho – daan-daan tao ang nasa beach ng Palu City nang humampas ang alon na may taas na anim na talampakan na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Bukod dito, kinaladkad din ng alok ang mga kotse, bahay at mga troso.


Ang tsunami ay may bilis na 800 kilometers per hour bago it tumama sa shoreline.

Aabot sa 16,700 na tao ang inikilas sa 24 na evacuation centers sa Palu.

Facebook Comments