MARAMING NASAWI | 5 Patay matapos sumalpok ang pampasaherong jeep sa isang puno sa Rizal

Rizal – Lima ang patay matapos sumalpok ang pamapasaherong jeep sa isang puno sa Barangay Bayugo, Jala-Jala, Rizal.

Matulin ang takbo ng jeep na minamaneho na si francisco abesamis na nag-overtake sa kasunod na sasakyan.

Iniwasan ng driver ang mga lubak na daan at napaaga ng kabig pabalik sa linya dahil sa sasalubong na trak.


Dito tumagilid ang jeep at sumalpok sa puno ng narra.

Nasawi si Abesamis kasama ang misis nito na si Grace.

Patay din ang mga pasaherong si Winnie Rodriguez at mga anak nitong si Karylle at Aaron.

Human error ang sanhi ng insidente.

Facebook Comments