Maraming pamilya sa Camarines Sur na sinalanta ng Super Typhoon Rolly ,binigyan ng ayuda ng Tanggapan ni Sen. Bong Go

 

Bukod sa aid distribution sa Camarines Sur noong November 16 at 17, nagpapatuloy ang pamamahagi ni Senator Christopher “Bong” Go ng ayuda sa mga pamilya sa lalawigan na matinding sinalanta ng Super Typhoon Rolly.

Huling nabiyayaan ng ayuda ni Go ang 242 mga pamilya mula sa Lagonoy ,Camarines Sur.

“Sa mga kababayan natin dyan sa Bicol, sana ay maayos ang inyong kalagayan. Kakapunta lang po namin ni Pangulong Duterte diyan sa Camarines Sur noong nakaraang linggo,” Go said in a video call.


“Ngayon po, ang aking mga staff po ay patuloy ko pong pinapaikot diyan sa inyo para bigyan pa kayo ng tulong at rumisponde sa inyong mga pangangailangan para makabangon kayo muli,” he added.

Kabilang sa pinamahagi ng team ni Go sa mga residente ang food packs.

Ginawa ang distribution activity sa Lagonoy Municipal Hall noong Biyernes, November 20.

Mahigpit namang pinairal ng team ni Go ang kaukulang health at safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Sunud-sunod po ang tumama sa atin, tinamaan tayo ng bagyo, COVID-19, kaya kaunting ingat lang po. Patuloy tayong magtiwala sa gobyerno dahil kapakanan ninyo ang inuuna namin. Sunod lang po tayo sa mga patakaran — maghugas tayo ng kamay, mag-social distancing at, kung pwede po, ay huwag tayong lumabas kung hindi naman kinakailangan,” Go advised.

Inulit din ni Go ang pahayag ng Pangulong Duterte na oras na magkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19 , ang mga mahihirap at vulnerable ang uunahing bakunahan.

“Uunahin namin ang mga mahihirap, vulnerable, frontliners, sundalo at pulis para po makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay,” he said.

Namahagi rin si Go ng mga bisekleta na gagamitin ng mga residente sa kanilang pagpasok sa trabaho ngayong limitado pa ang mga pampublikong sasakyan dahil sa patuloy na banta ng pandemic.

Nagpa-alala rin si Go sa mga residenteng nangangailangan ng medical attention na magtungo lamang sa pinakamalapit na Malasakit Centers sa Bicol Medical Center sa Naga City, Camarines Sur.

“Diyan po sa inyo sa Bicol, gaya ng ipinangako ko diyan sa inyo, mayroon na kayong Malasakit Center diyan. Batas na po ito. Ito ‘yung ipinangako namin para hindi na kayo mahirapan makakuha ng tulong pampagamot mula sa inyong gobyerno,” Go shared.

Ang Malasakit Centers ay one-stop shops kung saan matatagpuan ang government agencies na nagkakaloob ng medical assistance programs, tulad ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth, na pinag-isa sa isang tanggapan para mapadali ang pagtulong sa mahihirap at sa mga tinaguriang indigent patients.

“Hindi ninyo na po kailangan pang palipat-lipat pa ng opisina para humingi ng tulong. At ang target po nito ay tumulong sa mga pasyente na maging zero-balance po ang billing. Inyo po ‘yang Malasakit Center, para po ‘yan sa Pilipino, lapitan ninyo lang po. Ito ay para sa poor and indigent patients,” Go explained.

Samantala,namahagi rin ang mga tauhan ng DSWD ng food packs at financial assistance sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.

“Kami ni Pangulong Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa inyo, dahil, para po sa amin, ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” he ended.

Facebook Comments