Binigyang diin ni Kabayan Partylist Representative at Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Ron Salo ang kahalagahan na mabigyan ng suporta at proteksyon ang mga Pilipinong manggagawa sa bansa at sa abroad.
Kasabay ng selebrasyon ngayon ng Labor Day ay sinabi ni Salo na ang paggawa ay sandigan ng ating ekonomiya at lipunan.
Ito ang dahilan, ayon kay Salo, kaya patuloy sila sa paghahain ng mga panukalang batas sa Kamara na magpapabuti sa sitwasyon at pamumuhay ng Filipino workers.
Pangunahing sa mga panukalang ito ang nagsusulong ng umento sa sahod at nagtataas sa minimum wage gayundin ang panukalang aatas ng pagbibigay ng 14th month pay sa mga mangagawa sa gobyerno at pribadong sektor.
May panukala rin si Salo para sa otomatikong pagkakaloob ng civil service eligibility sa mga to government contract workers and job orders.