
Mas maraming Pilipino ang inaasahang magiging masaya ang Pasko ngayong 2025.
Ito ay base sa survey na isinagawa ng Social Weather Station o SWS.
Ayon sa survey, nasa 68% ang nagsasabing magiging masaya ang Pasko ngayong Taon.
Mas mataas ito kumpara sa isinagawang survey noong 2024 dahil nasa 65% lamang last year ang nagsabing masaya ang Pasko.
Nasa 7% lamang ang nagsabing magiging malungkot ang Pasko habang 25% ang nagsabing hindi magiging masaya o malungkot ngayong Christmas.
Karamihan sa mga sinurvey ay nagsabing nagpapasalamat sila ngayong Pasko dahil sa magandang kalusugan, pamilya at ang pananatili nilang buhay hanggang sa ngayon.
Ang survey ay isinagawa nitong huling quarter ng taon na sinalihan ng 1,200 respondent.
Facebook Comments









