Maraming problemang kinakaharap ng DepEd, lumutang sa budget hearing ng Kamara

Lumabas sa bugdet hearing ng House Committee on Appropriations na nahaharap ngayon sa malaking hamon si Education Secretary Edgardo “Sonny” Angara dahil umano sa dami ng problema na iniwan ni Vice President Sara Duterte-Caprio sa ahensya.

Sinabi ito ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa pagbusisi ng Kamara sa ₱793.18 billion na panukala ng pondo para sa Department of Education o DepEd sa susunod na taon.

Pangunahing tinukoy ni Castro ang ipinatupad ni VP Sara na MATATAG Curriculum kung saan binigyang ng pito hanggang walong teaching loads kada araw ang high school teachers.


Pinuna rin ni Castro ang Computerization Program ng DepEd na base sa report ng Commission on Audit ay may “delays, non-delivery, at inefficiencies sa implementasyon.

Nangako naman is Angara at iba pang DepEd officials na aaksyunan nila ang Commission on Audit o COA observations gayundin ang ₱5 billion na unpaid remittances ng DepEd sa Bureau of Internal Revenue, Government Service Insurance System, PhilHealth, at at Pag-IBIG Fund.

Facebook Comments