MARAMING SUGATAN | 1 patay – 12 sugatan sa pagsabog ng isang gusali sa Texas

Isa ang patay habang labing dalawang ang sugatan sa pagsabog sa isang ginagawang gusali malapit sa ospital sa Texas.

Ayon sa otoridad – isa sa mga construction workers na nagtatrabaho sa ginagawang gusali ang namatay.

Pawang trabahador din ng construction site ang sugatan.


Dahil sa pagsabog, inilikas ang mga pasyente ng Corylell Memorial Healthcare system sa Gatesville.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng pagsabog sa ginagawang gusali pero ayon sa ilang saksi, nakita nilang may sumabog na generator.

Facebook Comments