MARAMING SUGATAN | 2 patay, 18 sugatan sa banggaan ng tren at truck sa Italy

Italy – Dalawa ang patay habang labing walo ang sugatan sa pagbangga ng isang tren sa isang malaking truck na huminto sa riles sa Turin, Italy.

Kabilang sa mga namatay ang engineer ng tren at ang isa pang nauna ng isinugod sa ospital.

Ligtas naman ang driver ng truck na may kargang mga license plates na dadalhin sana sa isang warehouse.


Ayon sa Italian Rail Network, naibababa na ang railway barrier dahil mayroong paparating na tren pero dumiretso pa rin ang truck.

Facebook Comments