MARAMING SUGATAN | 8, sugatan sa pag-araro ng SUV sa 8 sasakyan sa Barangay Pitogo, Makati City

Manila, Philippines – Sugatan ang walong katao sa pag-araro ng isang SUV sa walong iba pang sasakyan sa Barangay Pitogo, Makati.

Mag-aalas-12:00 kaninang tanghali nang mangyari ang aksidente sa bahagi ng jacinto street sa tapat mismo ng Barangay hall ng Pitogo.

Kabilang sa mga binangga ng SUV ang apat na tricycle, tatlong motorsilo at isang Toyota Vios.


Ayon sa mga pulis, mabilis ang pagpapatakbo ng driver ng Mitsubishi Montero na si angelita cajuday, 62-anyos hanggang sa nawalan siya ng kontrol.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima kung saan kritikal ang isang tricycle driver.

Facebook Comments