Maraming trabaho, alok ng Saudi Arabia sa mga Filipino nurses

Mag-aalok ng maraming trabaho ang Kingdom of Saudi Arabia sa mas maraming Filipino nurse sa bansa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., resulta ito ng pakikipag-usap kay Saudi Foreign Minister Adel Bin Ahmed Al-Jubeir kung saan napag-usapan ang bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Layon ng programa na mabigyan ang mga nurse sa Pilipinas ng pagkakataong kumita at magkaroon ng panibagong kasanayan sa trabaho.


Matatandaang una nang sinimulan ng Saudi Arabia ang pagbabayad sa mga pamilya ng health workers na nasawi sa COVID-19 kung saan makatatanggap ng $133,000 o katumbas ng mahigit P6 milyon ang bawat isa.

Facebook Comments