Maranao, huli sa buy-bust operation ng PNP sa Butuan City; 1.4M halaga ng shabu, nakumpiska

Butuan City – Nahuli ng Drug Enforcement Unit ng Butuan City Police Office ang isang tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation kahapon sa jeepney terminal, Barangay Port Poyohon, Butuan City.

Ang suspek na si Arman Tambilawan Pinto, 37 taong gulang, residente ng Payahan, Calbayog City, Samar ay nasa kostudiya ngayon ng PNP matapos makuha sa kanyang posisyon ang 120 grams na shabu na nagkakahalagang mahigit sa 1.4 milyon pesos.

Sa interview ng RMN Butuan, sinabi ng suspek na isa siyang Maranao at galing Pagadian City ang drogang bitbit nito.


Depensa ni Pinto, ipinadala lang sa kanya ang mga nakumpiska druga at hindi talaga sa kanya ang mga ito.

Facebook Comments