Maranao huli sa buy-bust operation ng PNP sa Butuan City, 1.4M halaga ng shabu nakumpiska

Butuan, Philippines – Nahuli ng Drug Enforcement Unit ng Butuan City Police Office ang isang tulak umano ng illegal na droga sa ikinasang buy-bust operation kahapon sa Jeepney Terminal, Brgy Port Poyohon, Butuan City.

Ang suspek na si Arman Tambilawan Pinto, 37 taong gulang, residente ng Payahan, Calbayog City, Samar; ang nasa kustudiya ngayon ng PNP matapos makuha sa kanyang posisyon ang 120 grams na shabu na nagkakahalagang mahigit sa 1.4 milyon pesos.

Sa interview ng RMN Butuan, sinabi ng suspek na isa siyang Maranao at galing Pagadian City ang drugang bitbit nito. Depensa ni Pinto, ipinadala lang sa kanya ang mga nakumpiska droga at hindi talaga sa kanya ang mga ito.


Facebook Comments