Manila, Philippines – Inendorso na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na maging susunod na pangulo ng bansa.
Ayon sa pangulo, hanga siya sa record ni Pacquiao hindi lang sa larangan ng boxing kundi maging sa senado.
Aniya, hindi maikakaila na malaki ang naiambag na karangalan ni Pacman sa Pilipinas dahil sa pagiging world champion nito at sa mga tagumapay na nakamit sa larangan ng boxing.
Marapat lamang aniya na gayahin ang determinasyon at kababaang loob ni Pacquiao.
Bagaman ikinatuwa ang mga papuri ng pangulo, sinabi ni Pacquiao na hindi niya iniisip na endorsement na ito.
Nauna nang sinabi ng pangulo na gusto niya ring maging pangulo ng bansa si Sen. Grace Poe kung maamyendahan ang saligang batas para sa mga foundling.