MARARAMDAMAN NA | Inflation rate sa mga susunod na buwan, posibleng tumaas pa – Zarate

Manila, Philippines – Binalaan ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang publiko sa pagtaas ng inflation rate ngayong Pebrero at sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Zarate, preliminary effect o patikim pa lang ang 4% inflation rate matapos na ipatupad ang TRAIN Law noong Enero.

Sa mga susunod na buwan aniya ay dito na mararamdaman ang epekto ng mga dagdag na buwis sa mga produktong petrolyo, sugar sweetened beverages, coal, at VAT sa distribution at transmission ng kuryente sa mga electric cooperative.


Pinayuhan ni Zarate ang paghahanda ng taumbayan sa pagtaas lalo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Ang 4% inflation rate noong nakaraang buwan ay pinakamataas na mula noong October 2014 at sumobra pa ito sa 3.5% na inaasahan na inflation rate ng mga analysts.

Dahil dito, hiniling ng kongresista sa Korte Suprema na mag-isyu na ng TRO sa petisyong inihain laban sa TRAIN law.

Facebook Comments