Marathon Hearing Para Sa 2017 Budget, Sisimulan Na Ng Senado Bukas

4

MANILA – Sisimulan na bukas ng Senado ang marathon hearing nito para sa pambansang budget sa susunod na taon.Target ng senado na maaprubahan ang 2017 budget sa huling Linggo ng Nobyembre para masimulan na ang Bicameral Committee Hearing sa unang Linggo ng Disyembre.Ito’y para malagdaan na rin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang taong 2016.Tiniyak naman ni Finance Committee Chair Loren Legarda sa publiko na nakapaloob sa 2017 budget ang tunay na tulong at serbisyong pangkalusugan, pang-edukasyon at pang-agrikultura sa bansa.Isasagawa ang pagdinig sa umaga at hapon na tatagal hanggang Biyernes.

Facebook Comments