Marathon hearings ng Kamara para sa 2020 budget, aarangkada ngayong araw

Manila, Philippines – Magsisimula na ngayong araw ang marathon hearings sa panukalang 4.1 trillion pesos 2020 national budget sa Kamara.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson, Davao City Representative Isidro Ungab – pamumunuan niya ang initial briefing sa panukalang budget na isasagawa ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang interagency body na magtatakda ng overall economic target expenditure levels.

Aniya, mahalaga ang DBCC briefing dahil dito ilalatag ang macroeconomic assumptions na magsisilbing gabay sa mga mambabatas at business sector sa pagbuo ng plano base sa projections ng gobyerno sa economic growth, price stability at iba pa.


Ang DBCC ay binubuo ng Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa kanyang budget message, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang masusing review at mabilis na approval ng 2020 national budget ay titiyaking patuloy ang maibibigay na tiwala ng publiko sa kanila.

Facebook Comments