Marathon hearings para sa pagtalakay sa 2022 national budget, iminungkahi ng isang senador

Iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magsagawa ng marathon hearings para sa pagtalakay sa 2022 national budget.

Ito ay kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado na posibleng makaapekto sa pagpasa ng pambansang pondo.

Ayon kay Drilon, hindi pa ibinibigay ng Executive Department sa kongreso ang National Expenditure Program (NEP) kung saan nakapaloob ang mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa susunod na taon.


Dahil dito, kakausapin ng senador si Senate President Tito Sotto III para maiwasan ang reenactment ng 2021 budget lalo na’t magdaraos ng national elections sa susunod na taon.

Facebook Comments