Marathon plenary sessions, isasagawa ng Senado para sa pagtalakay ng proposed 2022 national budget

Balik session na ang Senado ngayong araw.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sa halip na Lunes hanggang Miyerkules lamang ng hapon ang kanilang plenary sessions, gagawin itong umaga at hapon, Lunes hanggang Huwebes at kung kailangan ay papaabutin nila ito hanggang Biyernes.

Sabi ni Sotto, ito ay para mahimay nilang mabuti ang panukalang pambansang budget para sa taong 2022 at matiyak na magiging pantugon ito sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.


Samantala, ngayong araw o bukas ay pupulungin naman ni Sotto ang lahat ng kapwa senador para tukuyin ang iba pang panukalang batas na kanilang mamadaliing ipasa.

Binanggit ni Sotto na pag-uusapan din sa pulong kung itataas na nila ang bilang ng mga empleyado at mga bisita na papayagang pumasok sa Senado.

Sabi ni Sotto, ito ay sa harap ng pagbaba sa Alert Level 2 ng Metro Manila habang marami na rin sa mga empleyado ng Senado ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Facebook Comments