Marawi City – Balik operasyon na ang Marawi City Hall matapos ang ilang buwang bakbakan doon.
Ayon may Marawi Mayor Majul Gandamra, umaasa siyang magsisilbi itong inspirasyon sa mga residente at umagapay sa mga naapektuhan ng giyera na kailangan ang kanilang serbisyo.
Una nang nagsagawa ng flag raising ceremony sa city hall, dalawang araw matapos ang pagbabalik ng mga taga-Barangay Basak Malutlut.
Pero sa kabila nito, aminado ang mga empleyado na limitado pa sa ngayon ang kanilang kakayahang tumugon.
Ito ay dahil kailangan pa nilang maglinis at ayusin ang kanila mismong mga opisina na naapektuhan din sa giyera.
Facebook Comments