Marawi City Mayor Gandamra umaasa na matatapos na ang gulo sa kanilang lugar bago ang SONA ni Presidente Duterte

Marawi City, Philippines – Umaasa si Marawi City Mayor Majul Gandamra na matatapos na ang patuloy ngayon na kagulohan sa Marawi City.

Ito rin kasi ang inaasahan ni Presidente Rodrigo Duterte na matatapos ang gulo sa marawi bago ang kanyang State of the Nation Address o SONA sa susunod na mga dalawang linggo.

Sinabi ni Mayor Gandamra na dahil sa kagulohang nangyari sa marawi marami nang ari-ari-an at buhay ang nawala, pati mga enosenteng sibilyan ay nadamay dulot nang ginawang kagulohan ng mga teroristang grupo na maute.


Inaasahan ni Gandamra sabay sa paghingi ng suporta ng panalangin na matatapos na ang gulo sa kanilang lugar para makabalik na rin sa kani-kanilang tirahan ang mga Internally Displaced Person o mga bakwit na nasa ibat-ibang mga evacuation center sa Lanao del Norte at Iligan City.

Facebook Comments