Marawi City rehabilitation, on-track sa kabila ng COVID-19 pandemic ayon sa DHSUD

Iginiit ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na on-track ang rehabilitasyon ng Marawi City sa kabila ng mga pagsubok katulad ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ni DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario ang pahayag bilang tugon sa panawagan ni Basilan, Lone District Cong. Mujiv Hataman na balasahin na ang Task Force Bangon Marawi dahil sa makupad umanong implementasyon ng rehabilitation efforts sa lungsod na dinurog noon ng bakbakan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at ng Maute-ISIS terrorist.

Sinabi ni Del Rosario na sa kabila ng dalawang buwang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nagpahinto sa mga rehabilitation works sa Marawi City, kumpiyansa ang Task Force na makukumpleto ang lahat ng major projects sa December 2021.


Mahigpit na ang tagubilin sa lahat ng mga implementing agencies na gawing full-blast na ang implementasyon ng mga proyekto sa Hulyo 2020.

Nakapag-report na rin aniya ang Task Force kay Pangulong Rodrigo Duterte at naiulat na ang mga hamong kinaharap ng rehabilitation efforts.

Nangako naman aniya ang pangulo na mismong susubaybayan ang usad ng rehabilitasyon.

Facebook Comments