Walang hinto at on track ang pagtapos sa rehabilitation efforts ng gobyerno sa Marawi City kahit na nasa panahon ng paggunita ng Ramadan at maski may paparating na national elections.
Ito ang tiniyak ni Task Force Bangon Marawi Chairman Secretary Eduardo del Rosario matapos ang kaniyang pagbisita sa itinuturing na nag-iisang Islamic City sa bansa.
Kumpiyansa si Del Rosario na matatapos ang “substantial” number ng mga ongoing projects pagsapit ng June 30.
Sa ngayon, nakapag-turn over na ang gobyerno ng karagdagang barangay complexes na mayroong health center at madrasah o pook-sambahan.
Minamadali na aniya ngayon ang mga reconstruction works.
Sa katunayan, kumuha pa ng karagdagang tauhan ang mga implementing agencies para makahabol sa timeline.
Maging ang CSO Convergence, ang third-party monitor ay kuntento sa nakikitang “aggressive” na construction works sa loob ng most affected area.