Marawi rehab, on schedule pa rin – Task Force Bangon Marawi

Tiniyak ni Task Force Bangon Marawi na on schedule pa rin ang pag-rehabilitate ng Marawi City.

Sagot ito ng Task Force sa mga lumulutang na hindi umuusad ang rehabilitasyon isang taon matapos sirain ang lungsod ng bakbakan ng tropa ng gobyerbo at ng Maute group.

Sa isang press briefing, sinabi ni Chairperson Secretary Eduardo Del Rosario na matatapos ang pag-rehabilitate ng Marawi sa Disyember 2021 o bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.


Nilinaw rin ni Secretary Del Rosario na kaya hindi pa hinahayaan ng task force na makabalik ang mga residente sa heavily devastated na areas ay dahil hindi pa ito ligtas na puntahan at gawan ng bahay.

Ayon kay Del Rosario, patuloy pa rin ang pagrekober ng  44 malalaking unexploded na bomba sa lugar.

Sa kasalukuyan, mahigit 4,500 na ang narekober na explosives gaya ng IED, mortar o mga granada at inaasahang matatapos ang declearing ng mga pampasabog sa Disyembre ng taong ito.

Ayon pa kay Del Rosario, ang mga cleared areas sa mga lugar na bahagyang nasira ng giyera ay hinahayaan nang puntahan ng mga residente upang itayo muli ang kanilang mga bahay hanggat makakuha ang mga residente ng repair permit mula sa city government.

Makakatanggap rin ng livelihood at transitional assistance ang mga pamilyang na displaced ng mahigit isang taon ng P20,000 habang makakatanggap naman ng P53,000  na additional cash aid ang mga residenteng pinakanaapektuhan ng giyera sa Marawi.

Facebook Comments