Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatutok pa rin sila sa clearing operation sa Marawi matapos ang ilang buwang gyera at makontrol ng Maute-ISIS terrorist group ang lungsod.
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, labing limang porsyento pa ng Marawi City ang hindi pa naki-clear ng militar.
Ang area na ito aniya ay may mga unexploded ordinance pa kaya delikado pang puntahan o tirahan ng mga sibilyan.
Nasa Marawi pa aniya ang kanilang combat engineering brigade na kinabibilangan ng Philippine Army, Navy at Air Force upang tutukan ang clearing operation.
Sinabi ni Colonel Arevalo na alam nilang naiinip na ang ilang residente ng Marawi na makabalik sa kanilang tirahan kaya ginagawa nila ang lahat upang mabilis na matapos ang clearing operation.
Bukas May 23, isang taon na ang nakakalipas nang simulang salakayin ng Maute-ISIS terrorist group ang Marawi City kung saan mahigit isang libong sibilyan, sundalo at pulis ang namatay.