MARAWI REHABILITATION | Karagdagang tropa na tutulong sa rehabilitasyon ng Marawi pinadala ng AFP

Nagpadala muli ng karagdagang tropa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marawi City.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lieutenant Colonel Louie Villanueva kabuuang 130 sundalo mula sa 12th military operation Kabukludan battalion at hijab troops o mga babaeng sundalo ang ideneploy sa Marawi.

105 rito ay kabilang sa Kabukludan Batallion at 25 ay hijab troopers na tutulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government sa pangangalaga sa mga internally displaced person o mga nagsilikas dahil sa naging epekto ng giyera sa Marawi City.


Isinagawa ang sendoff ceremony sa Villamor Airbase sa Pasay City kanina.

Mapapabilang sila sa Joint Task Force Ranao na ang pangunahing trabaho ngayon ay tumulong sa pamahalaan para sa gagawing recovery at rehabilitation effort sa lungsod ng Marawi.

Facebook Comments