MARAWI REHABILITATION | Malacañang, handang makipagtulungan sa isusulong na Senate Hearing

Manila, Philippines – Handa ang Malacañang na makipag-tulungan sa isinusulong na Senate hearing kaugnay sa isinasagawang rehabilitasyon sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kasunod ng Resolution No. 742 at 743 na inihain ni Senator Antonio Trillanes IV na kumukwesyon kung bakit humaba ng 5 buwan ang Marawi siege, at ang di umano’y kabiguan na makapagpresinta ng comprehensive plan sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Kaugnay nito, iginiit ni Roque na on time ang planong inilatag ng pamahalaan para sa rehabilitation program ng siyudad, at nananatilin prayoridad nila ang mga bakwit sa Marawi.


Facebook Comments