Manila, Philippines – Kuntento ang Malacañang sa isinasagawang rehabilitasyon sa Marawi City kasabay ng unang anibersaryo ng pagsalakay ng Maute-ISIS Group doon noong isang taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, buo ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa performance ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo Del Rosario.
Aniya, 70 porsyento ng mga residente ng Marawi City ang nakabalik na sa lungsod.
Ang naturang datos aniya ang patunay na maganda ang development ng rehabilitation efforts sa lugar.
Gayunman, aminado si Roque na matatagalan pa ang pagsasaayos sa “main battle area” na siyang pinakaapektadong bahagi ng siyudad.
Facebook Comments