Manila, Philippines – Bumuo na ng rehabilitation team ang Department of Agrarian Reform (DAR) na tututok sa pagtulong sa mga farmer beneficiaries na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa naganap na bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay DAR Region 10 Director Faisar Mambuay, ang binuo nilang team ay kinabibilangan ng government agencies, Non-Government Organizations (NGOs), United Nation-World Food Project (UN-WFP) at United Nation-Food and Agriculture Organization (UN-FAO).
Ilan aniya sa mga pilot barangay na pagsasagawan nila ng intervention at relief operations ay ang barangay.
Cabasaran, Dulay Proper, Dulay West, Guimba and Malimono, dahil ito ang mga una nang nabisita ng kanilang assessment team.
Facebook Comments