Nasa 68% nang tapos ang ang mga actual reconstruction ng public infrastructure sa ground zero sa Marawi City.
Sa virtual presser, sinabi ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario na isang insulto sa mga Maranao na nakikinabang na sa mga development sa lugar ang mga sinasabi ng mga kritiko na walang nangyari sa nakalipas na apat na taon ng rehabilitation efforts.
Iniulat ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) chief na natapos na ang inagurasyon ng Disomangcop mosque sa ground zero.
Nalalapit na ring buksan ang mga barangay complex at nasa completion stage na rin ang Grand Padian Market, Marawi Museum, Peace Memorial, School of Living Tradition, Marawi Integrated School at ang Traffic Command Center.
Ani Del rosario, target nila na makumpleto sa Setyembre ang kontruksyon ng road network na magiging hudyat upang makabalik na sa kanilang mga tirahan ang mga residente sa sector 1 hanggang sector 7.
Ito’y dalawang buwan bago ang December deadline na makumpleto ang rehabilitasyon at makabalik na sa kanilang mga tahanan ang residente mula sector 4 to 7.
Nauna nang nai-award ang abot sa 109 na permanent shelters sa mga internally displaced resident.