Inihayag ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na nasa 72% complete na ang rehabilitasyon ng Marawi City kasunod ng pagkasira nito sa Marawi siege noong May 2017.
Bagamat hindi pa tapos ay may ilang imprastraktura ang papasinayaan sa bukas, May 23 bilang parte ng ika-limang anibersaryo ng naturang bakbakan.
Ayon kay TFBM chair at Housing Secretary Eduardo Del Rosario, posibleng umakyat sa 89% ang completion ng proyekto sakaling matapos ang sports, complex, convention center, Grand Pagadian Market at lahat ng barangay halls sa darating na ikatlong quarter ng taon.
Habang ang natitirang 11% na nagkakahalaga ng 2.9 billion pesos ay sumasailalim pa rin sa procurement process.
Facebook Comments