Marawi rehabilitation projects, ininspeksyon ni TFBM Chief

Ininspeksyon ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman Secretary Eduardo Del Rosario ang mga rehabilitation work na sinasabing todu-todong tinatrabaho o nag-full blast work nitong nakaraang buwan ng Hunyo.

Ito’y sa mga labis na nawasak na lugar sa Marawi City na iniwan ng bakbakan noon sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng Daesh-inspired Maute terrorist group.

Kabilang sa ininspeksyon ni Del Rosario ay ang bubuksang public school at ang paglalatag ng power distribution lines bilang paghahanda sa full energization o pagbabalik ng tustos ng kuryente sa ground zero.


Kumpiyansa ang Task Force na pagsapit ng December 2021 na deadline, matatapos na ang mga committed infrastructure project sa Marawi City.

Kabilang dito ang Grand Padian Central Market, ang Marawi City Museum, dalawampu’t apat na barangay hall at health center.

Facebook Comments