Marawi Schools Division muling babangon-DEPED ARMM

Kasabay ng pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi City, nagsimula na ring nagbalik eskwela ang mga mag -aaral sa syudad ngayong linggo . Kaugnay nito, nagpapatuloy rin ang pagsisikap ng pamunuan ng Department of Education ARMM sa pangunguna ni Secretary John Magno na matugunan ang mga pangangailangan ng mga guro lalong lalo na ang mga istudyante.

Kabilang na rito ang isinasagawang feeding program na nakabiyaya ng libo-libong mga mag aaral sa tulong na rin ng Gawad Kalinga at ng World Food Programme.

Noong araw ng martes, October 24, 800 mga istudyante ng Mipaga, Bito, Rorogagus, at Pendolonan Elementary School ang pinagkalooban ng libreng pananghalian ng Kusina ng Kalinga. Sinasabing mismong mga guro at ilang volunteers ang naghanda nito.


Bagaman, tapos na ang kaguluhan, aminado si Sec. Magno na tila mahihirapan pa silang agad na mabubura sa mga murang isipan ng mga mag aaral ang takot at trauma sa naranasang tension, kung kayat patuloy ang kanilang ginagawang inisyatiba para maipagpapatuloy ang mga pag-asa at pangarap ng mga kabataan sa Marawi.

Sinisiguro naman ng kalihim na walang maiiwan na mga guro, mag aaral at mga magulang sa muling pagbangon ng Marawi City. Matatandaang libo libong mga learners, guro ang naapektuhan ng kaguluhan sa syudad maliban pa sa nawasak na mga eskwelahan.

DepEd Armm Pics


Facebook Comments