Marawi City – Hindi nakapunta sa Marawi City si Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng unang taong anibersaryo ng Marawi Siege.
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, mas gustong gunitain ng Pangulo ang araw ng paglaya ng Marawi City mula sa kamay ng Maute-ISIS Group kaysa ang pagpasok ng mga terorista sa lungsod.
Aniya, mas gusto ni Duterte na sa kanyang muling pagdalaw sa Marawi ay makita ang pagbabalik sa normal na pamumuhay ng mga Maranaw.
Giit naman ni Go, sa ngayon ay maganda ang tinatakbo ng rehabilitasyon sa Marawi City.
Facebook Comments