Marawi Siege part 2, tiniyak ng Philippine Army na hindi na mauulit pa

Kinalma ng Philippine Army (PA) ang publiko lalo na ang mga residente sa Mindanao hinggil sa posibleng ikalawang yugto ng Marawi Siege.

Ito’y kasunod ng isinagawang air strike ng militar laban sa grupo ng Dawlah Islamiya – Maute Terrorist sa Lanao del Sur kung saan, tatlo ang nasawi at ikinasugat ng tatlong iba pa.

Ayon kay Lt.Gen. Romeo Brawner, Commanding General ng PA, ang mga naging target ng air strikes ng militar ay pawang remnants ng mga umatake sa Marawi noong 2017.


Sinabi pa ni Brawner na kaya air strike ang kanilang ginawa ay para maging ligtas ang dadaanan ng mga pupunta sa kuta ng mga bandido.

Nagtanim kasi ang mga Maute ng improvised explosive device (IED) sa paligid ng pinagkukutahan at maiwasan ang casualties sa panig ng gobyerno.

Kasunod nito, siniguro ni Brawner na hindi na nila hahayaang maulit pa ang pagkubkob sa Marawi na ikinasawi ng maraming buhay at ikinasira ng mga kabuhayan sa lungsod.

Facebook Comments