MARAWI SIEGE | Resolusyong kumikilala sa ‘Heroes of Marawi’, pinagtibay ng Senado

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Senado ang resolusyong kumikilala sa katapangan at kabayanihan ng mga tropa ng gobyerno na lumaban sa Maute-ISIS Group sa Marawi City.

Ito ang senate resolution no. 746 na inihain ni Senador Richard Gordon at ng co-author na si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Binanggit sa resolusyon ang dakilang sakripisyo ng mga sundalo at pulis para protektahan ang bansa mula sa mga terorista.


Dahil sa kanilang kagitingan, nararapat lamang silang mabigyan ng mataas na parangal.

Nabatid na sumiklab ang giyera noong May 23, 2017 na nagresulta sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao.

Facebook Comments