Marawi Transcentral Roads at Boracay Circumferential Road, matatapos na – DPWH

Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos ang ginagawang Marawi Transcentral Roads sa Lungsod ng Marawi sa katapusan ng taon.

Ang pagsasaayos na ito ay parte ng Marawi Master Plan o ang rehabilitasyon sa mga nasira at naapektuhang kalsada at establisyimento ng Marawi Siege noong 2017.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na naglaan sila ng isang bilyong pisong pondo sa pagsaayos ng kalsada sa mismong pinangyarihan ng giyera.


Tuloy-tuloy aniya ang paggawa at maganda na ang kinalabasan ng nasabing proyekto.

Maliban dito, sinabi ni Villar na malapit na rin matapos ang phase 2 ng Circumferential Road sa Boracay na parte ng rehabilitation kung saan inayos ng ahensya ang daan, sidewalk at drainage system sa isla.

Ikinatuwa naman ng kalihim ang tagumpay ng kanilang mga proyekto at tiniyak na malaki ang naitutulong sa turismo at ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments