MARAWI WEEK OF PEACE | Ramadhan Trade Fair, isinagawa ng DTI Lanao del Sur

Marawi City – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Marawi Week of Peace.

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Ramadhan Trade Fair sa People’s Park sa Marawi City.

Ito ay isinagawa sa pagtutulungan ng DTI sa Provincial government ng Lanao del sur sa pamamagitan ng Technology and Livelihood Development Center at Negosyo Center nito.


Mahigit 35 na mga exhibitor ang nakilahok sa trade fair kung saan iba’t-ibang produktong Maranao tulad ng palapa, kalawag, malong at iba pa ang itinitinda.

Hinimok ni DTI Lanao del Sur Provincial Director Mohammad Mamainte na suportahan ang trade fair bilang tulong para sa mga apektadong residente ng kaguluhan sa Marawi City.

Ang Ramadhan Trade Fair ay magtatagal hanggang June 10, 2018, simula alas diyes ng umaga hanggang sa alas singko ng hapon.

Facebook Comments