Ginunita ni Mayor Marc Brian Lim ang ika-100 araw nito bilang Mayor ng lungsod ng Dagupan sa pamamagitan ng talumpati ngayong araw, ika- 10 ng Oktubre, 2019 sa Edades Hall City Museum.
Ayon kay Lim, hindi lamang dapat siya ang mabigyan ng pagkilala sa mga naging proyekto ng lungsod sa ika-100 araw kundi dapat na mabigyan ng pagpupugay ang mga taong nasa likod ng bawat departamento na nagbigay ng oras at pagbabago sa lungsod ng Dagupan.
Sa kaniyang ‘First 100 Days Report’, tinalakay niya ni Lim ang ibat-ibang proyekto at benepisyo na ginawa para sa mga Dagupeno;
• Pagkakatatag ng Solid Waste and Management Division • Pagsasaayos ng Bonuan Tondaligan Beach at Japaneese Garden • 10.1 million na pagtaas ng market collection • Pagbuhay sa River Cruise ng lungsod • Pagsasara ng dumpsite • Pagresolba sa baha at iba pa.
Sinundan din ito ng pagpapasinaya ng pitong motorsiklo na ibinigay sa PNP Dagupan ng Chinese Community sa ahensya.
Nanindigan din ito sa hindi paggamit ng Common Terminal sapagkat hindi walang lumulutang kung sino nga ba ang nagmamay-ari ng naturang terminal.
Pagkatapos ng talumpati sinabi ni Lim na nagsisimula pa lamang ito at marami pang dapat pagtuunan ng pansin ang kaniyang administrasyon.
Marc Brian Lim, ginunita ang ika-100 araw bilang Mayor ng Dagupan City
Facebook Comments