Marc Gasol, lalagda ng two-year deal sa Los Angeles Lakers

75

Isinasapinal na ng Los Angeles Lakers ang two-year deal para makuha si three-time All-Star center Marc Gasol.

Ayon sa ulat, iti-trade ng Lakers si Center JaVale McGee at future second-round pick sa Cavaliers upang magkaroon ng sapat na space para kay Gasol.

Bilang kapalit, ipadadala ng Cleveland sina Jordan Bell at Alfons McKinnie sa Lakers sa deal.


Asam ni Gasol na masungkit ang kanyang ikalawang NBA championship sa paglipat nito sa Lakers.

Kung maaalala, nakuha ng 6-foot-11 big man ang unang kampeonato nito sa Raptors bago ito ilipat sa Memphis Grizzlies.

Facebook Comments