March 22, pinadedeklara kay PRRD bilang “National Day of Prayer” dahil sa COVID-19

Sumulat na si House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte para ideklara ang march 22 bilang “National Day of Prayer” dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Naniniwala sina Cayetano, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Benny Abante na ito ang panahon para magsama-sama ang lahat sa pagdarasal at isantabi ang hindi pagkakaunawan para labanan ang isang mapanganib na uri ng sakit na kinakaharap ng bansa.

Anila, ang pinatutupad na ‘social distancing measures’ ng pamahalaan ay hindi magiging hadlang sa pananampalataya ng mga Filipino.


Panahon rin, anila, para magkaisa at ipanalangin ang ating frontliners para mapagtagumpayan ang laban na ito.

Kasabay nito, tiniyak ng mga mambabatas na handa silang tulungan ang executive branch para umasiste laban sa COVID-19.

Facebook Comments