March 26 flights ng PAL mula Dammam at Doha, lalapag sa Cebu sa halip na sa NAIA

Kinumpirma ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang re-routing sa Cebu-Mactan Cebu International Airport sa March 26,2021, sa halip na sa NAIA.

Sa harap ito ng pinaiiral na quarantine capacity limitations sa NAIA terminals sa harap ng surge sa COVID-19 cases sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Ginawa ng PAL ang re-routing sa Cebu para maiwasan ang kanselasyon ng flights.


Ang PR 5687 ay aalis sa March 26 sa Dammam dakong alas-4:40 ng hapon at dadating sa CEBU kinabukasan o sa March 27 dakong alas-7:30 ng umaga.

Ang PR 685 naman ay aalis din ng March 26 sa Doha dakong 08:00 PM at dadating sa CEBU ng March 27 dakong 11:00 ng umaga

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na magparegister via online sa MCIA Passenger Arrival Registration Form, limang araw bago ang kanilang departure.

Facebook Comments