March 31 deadline para sa paghahain ng petitions for registration ng mga partylist, hindi na palalawigin ng COMELEC

Hindi na palalawigin pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang March 31 deadline para sa paghahain ng petitions for registration ng mga partylist para sa May 2022 elections.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, walang mangyayaring extension.

Paliwanag ni Guanzon, ang mga naturang petisyon para sa partylist o political party na hindi “sufficient in form and substance” ay idi-dismiss na hindi na kailangang magsagawa pa ng pagdinig.


Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10690, ang deadline sa paghahain ng Petitions for Registration and Manifestation of Intent to Participate ng mga nagpaparehistrong party-list groups, organizations at coalitions ay sa March 31, 2021.

Ito ang ang petsa ng deadline para sa mga existing party-list groups, organizations at coalitions para maghain ng kanilang Manifestation of Intent to Participate.

Facebook Comments