March at April billing period ng mga kabahayang kumokonsumo ng kuryenteng mas mababa sa 50 kW per hour, libre na!

Libre na ang bayad sa kuryente para sa Buwan ng Marso at Abril ng mga “lifeline consumers”.

Ito ay ang mga kabahayang kumokonsumo lamang ng mas mababa sa 50 kilowatt per hour kada buwan.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sobra ang suplay ng kuryente partikular sa Luzon.


Base sa ulat ng Department of Energy, aabot sa 11,795 megawatts (mw) ang available capacity sa Luzon na mas mataas kumpara sa actual peak demand na 7,232 mw.

Ibig sabihin, may excess capacity na 4,742 mw sa Luzon.

Target na matulungan ng pantawid liwanag ang tatlong milyong mahihirap na konsyumer ng mga electric cooperative.

Bukod sa sobrang suplay ng kuryente, tiniyak din ng IATF na sapat ang suplay ng tubig sa Luzon sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Nograles, itataas na ng National Water Resources Board (NWRB) sa 46 cubic meters per second ang alokasyon nito ng tubig sa MWSS hanggang April 30.

Facebook Comments