Posibleng hindi makasama sa final line-up ng Gilas Pilipinas si Marcio Lassiter.
Anim na linggo kasing mawawala si Lassiter dahil sa iniinda nitong medial collateral ligament sprain makaraang magbanggaan ang tuhod nila ni NorthPort guard Garvo Lanete sa second quarter ng do-or-die game nitong Miyerkules, kung saan nagwagi ang San Miguel Beermen.
Lumabas sa laro si Lassiter sa huling 3:22 ng first half at kaagad na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center upang isailalim sa MRI.
Nabatid na sasabak ang pambansang koponan sa nalalapit na FIBA World Cup sa Agosto.
Facebook Comments