Marcos admin, todo-kayod para wakasan ang gutom sa bansa

Iginiit ng Presidential Communications Office (PCO) na ang kawalang-gutom ay isang pangunahing karapatan ng bawat Pilipino kaya desidido ang administrasyong Marcos na wakasan ang gutom sa bansa.

Ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez, paiigtingin ng pamahalaan ang anti-hunger drive sa ilalim ng programang Walang Gutom 2027, na layong pababain ang food insecurity sa 750 libong kabahayan pagsapit ng 2027.

Mula nang ilunsad ang programa noong 2023 sa bisa ng Executive Order No. 44, bumaba na ang hunger indicators ng mga benepisyaryo mula 48.7 porsiyento tungo sa 41.5 porsiyento nitong Marso 2025.

Kasabay ng programa ang operasyon ng Walang Gutom Kitchen sa Pasay City na nagbibigay ng libreng pagkain sa mga nangangailangang Pilipino.

Sa kabuuan, mahigit 15 libong indibidwal na sa Metro Manila ang natulungan ng programa.

Facebook Comments