Marcos administrarion, doble-kayod para maibsan ang epekto ng inflation

Ginagawa raw ng gobyerno ang lahat para mapigilan ang pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, nagdodoble kayod ang gobyerno upang kahit papano ay mabawasan ang epekto ng inflation.

Sinabi ito ni Diokno matapos umakyat sa 6.1 percent ang inflation rate nitong Setyembre na mas mabilis kumpara sa 5.3 percent rate noong Agosto sa harap ng pagtaas ng presyo ng bigas at langis.


Ayon pa sa kalihim, kumikilos ang lahat upang masiguro na naipatutupad ang nararapat na mga polisiya, mga programa at nababantayan ang presyo ng mga bilihin na pangunahing alalahanin ng mga tao.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang pangunahing nagtulak sa mabilis na inflation noong nakaraang buwan ay ang bigas na parehong double-digit ang itinaas ng presyo.

Ayon kay Diokno, patuloy na magpapatupad ang gobyerno ng package measures para mapababa ang presyo ng bigas at gulay hanggang matapos ang taon.

Partikular na tinutukoy ni Diokno ay ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka at proteksyon sa mga sektor na pinakaapektado ng inflation.

Facebook Comments