Marcos administrarion, hangad na magkaroon ng bansang walang nagugutom at naghihikahos

Importanteng matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa bawat tahanan.

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang pagbisita sa Aklan kahapon kung saan namigay ito ng libreng bigas.

Sa kaniyang talumpati, binigyang diin ng pangulo na sinisikap ng gobyerno na mapababa ang presyo ng bigas.


Pinararami rin ayon sa pangulo ang produksyon ng palay, at inaalalayan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng mga makabagong makinarya at iba pang gamit pambukid.

Pagbibigay din ng pangulo na hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi nahuhuli ang mga sindikato na nagpupuslit at nang-iipit ng suplay ng bigas at hangga’t hindi ito naibabalik sa normal na presyo.

Pangarap ng pangulo na balang araw ay wala nang Pilipinong magugutom at maghihikahos.

Sa event kahapon ay namahagi rin ang pangulo ng 30 milyong pisong halaga ng tulong para palakasin ang pag aalaga ng baboy at talaba sa aklan.

Bukod dito ay namigay din ang pangulo ng livelihood assistance para sa iba’t ibang farmer associations, gayundin ng rice and corn indemnity claims check.

Namigay din ang pangulo ng Certificate of Land Ownersip awards sa mga agrarian reform beneficiaries.

May tinanggap ding scholarship program ang ilang paaralan at kolehiyo sa Aklan para sa kanilang mga mag-aaral at estudyante.

Facebook Comments