Marcos administration, bahala na kung itutuloy ang pamamahagi ng 2nd tranche ng fuel subsidy

Hinto na muna sa ngayon ang pamamahagi ng fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Borad (LTFRB).

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni LTFRB Exec. Director Kristina Cassion na ipinauubaya na kasi nila sa susunod na administrasyong Marcos ang usaping ito.

Aniya, kailangan kasi hintayin muna ng kagawaran ang magiging patakaran ng papasok na administrasyon para sa fuel subsidy program.


Ayaw naman aniya nilang pangunahan ang magiging hakbang at mga patakaran ng administrasyong Marcos hinggil dito.

Ayon kay Cassion, sa orihinal na budget sa ilalim ng 2022 GAA, P2.5 billion ang pondo para sa 2nd tranche ng fuel subsidy para sa higit 300,000 mga benepisyaryo.

Facebook Comments