Marcos administration, hinamon ni VP Sara; Rep. Co, pauwiin at Rep. Romualdez ikulong sa Kamara

Hinamon ni Vice President Sara Duterte ang administrasyong Marcos na kunin sa Amerika si Congressman Zaldy Co at ikulong naman sa Kamara si dating Speaker Martin Romualdez.

Ito ay matapos na kapwa mabanggit ang pangalan nina Co at Romualdez sa sinasabing nakinabang sa maanomalyang flood control projects.

Sa ambush interview sa Tacurong City, Sultan Kudarat, sinabi ni VP Sara na mahilig masangkot sa kidnapping ang kasalukuyang administrasyon tulad ng aniya’y pag-kidnap nito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang pagkakasangkot ng Office of the President sa pagdukot sa ilang bata sa Turkey kaya dapat din nitong kidnapin sa US si Co at ibalik sa Pilipinas.

Ito ay para kapwa panagutin sina Co at Romualdez sa katiwalian sa aniya’y pambababoy ng mga ito sa pondo ng bayan.

Facebook Comments