Kinakailangang makakolekta ang Marcos administration ng P249 bilyon kada taon, sa susunod na sampung taon para mabayaran ang P3.2 trilyong utang ng bansa.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ngayon pa lamang ay kailangang umaksyon na at isulong ang mga programang makapang-aakit ng kita ng gobyerno.
Ilan sa mga programang ito ayon kay Dominguez ay magpapatuloy ng paglalaan ng mga salapi sa socioeconomic programs, mapanatili ang magandang credit ratings at makawala sa pagbabayad ng utang ang bansa.
Sa ngayon, ani Dominguez ay naghahanda sila ng fiscal consolidation plan na isasalin sa administrasyong Marcos para makapangolekta ng average na P284-B taon taon.
Mahalaga aniya ito para matiyak na mapananatili ang mahabang investment o pamumuhunan sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura at paglikha ng mas maraming trabaho sa bansa.